Mga Manunulat

Bonifacio, Janessa (CEO ng Sy-Mendiola Corporation)
Bonifacio, Sophia (Entreprenyur at Negosyante)
Castro, Alexandra (Secretary ng Department of Budget)
Cuevas, Sofia (Bank Teller ng Eastwest Bank)
Digman, Enrico (Owner ng Hairy Cutter Barber Shop)
Garcia, Andreanna (OFW sa Madrid ng apat na taon)
Palaypay, Sean (Financial Adviser ng Sy-Mendiola Corporation)

Linggo, Enero 24, 2016

“Panukalang 2016 Budget, Inihain sa Kamara” (Patakarang Piskal)

Alexandra Castro
Secretary ng Department of Budget

PATAKARANG PISKAL – Ito ang pagkontrol ng pamahalaan sa layuning mapatatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya.

Paliwanag sa Artikulo
Isinasaad sa Artikulo ang tungkol sa ipinasa at inaprubahang badyet ng ating pamahalaan. Sinasabing ang national badyet ay naghahalagang 3.002 trillion Php. Nakasaad rin sa artikulo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na siyang pinaglalaanan ng kaukulang pera mula sa ating badyet na siyang gagamitin para iba’t ibang gastusin at programang ipatutupad nito. Ang tatlong nangunguna sa listahan ng may pinakamalaking hati ay ang DEPED, DPWH, at ang DND. Isinasaad rin na dahil sa hindi magandang kinalabasan ng serbisyo ng train system sa ating bansa ay kinaltasan ng ilang porsyento ang DOTC. Ang sa DSWD rin ay bumaba ng 3.8%. Sa kabuuan, sinasabing mas tumaas ang badyet na inilaan para sa taong 2016 ng 15.2% kumpara sa inilaan noong nakaraang taon. 

Reaksyon/Komento
Sa aking nakita ay patas naman ang naging distribusyon ng pambansang badyet para sa taong ito. Sa laki ng mapupunta sa bawat ahensiya ay makikitang malaking porsiyento nito ay talagang tutugon sa gastusin ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan na siyang makatutulong naman sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyo’t programang ipatutupad. Nakatutuwa ring malaman na tumaas ito ng 15.2% mula sa nakaraang taon dahil ipinapahiwatig nito na maaring mas tumatatag na ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.

Makabuluhang Mungkahi
Aking maipapayo na sana gamitin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang perang naibigay sa kanila sa paraang kapakipakinabang para sa lahat sa pamamagitan ng paglikha ng mga programa at pag-aabot ng mga serbisyong makatutulong sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Tulad na lamang ng pag-gamit ng DepEd sa pagpapabuti at pagpapatatag ng K-12 system at pagtatayo pa ng maraming pampublikong paaralan, pagpapaayos sa mga kalsada at pagtukoy sa paraan lulutas sa matinding trapik ng DPWH, mga pampublikong ospital at mga libreng gamot para sa mga mahihirap ng DOH, at iba pang hakbang na maaring gawin at pagtibayin ng bawat ahensiya. Dapat rin ay masigurado ng pamahalaan na ang bawat layuning paglalaanan ng pera ay tungo sa kaunlaran ng bansa at hindi mapupunta sa kamay ng mga namumuno rito. Bilang mga mamamayan, suportahan natin ang mga hakbang na ipinapatupad ng pamahalaan at alamin kung ano ba ang mga pinagkakagastusan ng ating bansa. Bilang mga mamamayan at bilang bansang may pagkakaisa, siguraduhing magbabayad rin ng buwis nang patas dahil makatutulong ito upang makadagdag sa pondo ng bansa na makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa at para tugunan ang iba’t ibang gastusin ng Pilipinas.

Sanggunian
      Umali, I. A. (2015). Panukalang 2016 budget, inihain sa kamara. Mula sa:      http://radyo.inquirer.net/4335/panukalang-2016-budget-inihain-sa-kamara. 

Treasury bill rates headed south amid volatility (Patakaran sa Pananalapi)

Sofia Cuevas
Bank Teller ng Eastwest Bank


Treasury bill rates headed south amid volatility


Paliwanag sa Artikulo

Ang treasury bills o T-bills na isang short-term obligation na mula sa pamahalaan ay inaasahang makakakuha ng mababang interes dahil sa mga pangyayari sa ibang bansa  na siyang magpapadami ng pangangailangan para sa mga short-term securities.  Ang ilang mga taong nakausap tungkol dito ay nagsasabi rin na ang mababang interes ay bunga ng mga pagkabahala sa pag-unlad ng pangdaigdigang ekonomiya na pinangungunahan ng  pagbagal ng may ikalawang pinakamalaking ekonomiya .  Nandyan din ang nagpapatuloy na pag-aalala sa pagbagal sa China at ang pangkalahatang pandaigdigang  pagsulong o paglago.  Ang pabago-bagong kalagayan ng ekonomiya ang  dahilan kung bakit mas gusto ng merkado ang short term securities.  

Reaksyon/Komento
Ang treasury bill ay naaapektuhan rin ng iba’t ibang dahilan. Ang isang mahalagang sanhi ng pagtaas o pagbaba ng interes nito ay ang nagbabagong kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya at sa ngayon malaki ang naging epekto ng pagbagal ng ekonomiya ng China. Mas tinatangkilik ng mamamayan ang short term securities kapag mababa ang interest rate.

Makabuluhang Mungkahi
Piliin ang short term security kapag mababa ang interes rates.
Palagi magbasa o manood ng mga balita upang malaman ang iba’t ibang pangyayari na maaaring makaapekto sa ekonomiya.


Source:
Delavin, I. C. (2016, January 17). Treasury bill rates headed south amid volatility. Retrieved January 24, 2016, from http://www.bworldonline.com/content.php?section=Finance

Pamumuhunan

Janessa Romaine T. Bonifacio
CEO, Sy-Mendiola Corporation


http://www.businessmirror.com.ph/wp-content/uploads/2015/12/entrep01-122315.jpgPaliwanag sa Artikulo :

Sinasabi sa artikulo na ang pagkakaroon ng isang pangkabuhayan ay walang kasiguraduhan kung ito ba’y magiging maunlad o hindi. Isa si Froilan Manotok sa mga nagtagumpay sa paglulunsad ng kaniyang negosyo, siya ay ginawaran ng Philippine Franchise Association ng isang gantimpalak bilang 2015 Franchisee of the Year. Ito’y ay isang prestihiyosong parangal sapagkat ito ay ibinibigay lamang sa mga tao na nagpapakita ng katangi-tanging pagganap sa larangan ng pagnenegosyo.
Siya ay nagbahagi ng mga angkop na paraan upang magkaroon  ng maunlad na hanap-buhay. Sinabi niya na ang pagkakaroon ng makabuluhang partisipasyon ng may-ari ay isang salik ng pagkakaroon ng matagumpay na negosyo. Sinabi niya rin na mas mainam na magkaroon ng pananaliksik sa kung ano ang ihahandog ng iyong negosyo at kung ano ang mga limitasyon nito. Ibinahagi niya rin na kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo, mas makakabuti kung ikaw ay taospuso sa pagpapatayo nito at mayroon kang karunungan ukol dito.

Reaksyon/Komento:
Ako ay sumasang-ayon sa artikulo sapagkat ang pagkakaroon ng matagumpay na negosyo ay kumakailangan ng taimtim na pananaliksik sa napiling pamumuhunan. Pinaniniwalaan ko rin na ang may-ari ang may hawak ng kabuuang kontrol sa sistema ng negosyo sapagkat siya ang namamahala rito. Tama ang sinabi ni Froilan Manotok na ang may-ari ay dapat magbigay ng sariling pamamaraan at kalakaran sa pagtulong sa pagpapaunlad ng napiling hanap-buhay.
Makabuluhang Mungkahi:
Karamihan sa mga mamamayan ay nagtatayo ng kanilang sariling hanap-buhay at upang magababayan sila sa kung ano ang dapat nilang gawin upang magkaroon  ng masaganang negosyo, ito’y ilan lamang sa mga posibleng paraan:
  1. Magsimula sa maliit na negosyo – mas mainam na magkaroon ng “starting point” o maliit na negosyo bago sumabak sa mas malawak na aspeto ng pamumuhunan
  2. Itago ang pera sa bangko – mas mabuti kapag ang pera na iyong gagamitin sa pagnenegosyo ay nakatago sa bangko dahil mayroon itong seguridad at ito ay mayroong interes at maari pang lumaki
  3. Itala ang iyong mga gastusin – magkaroon ng rekord o talaan kung saan lahat ng gastusin ay nakasulat upang iyong masubaybayan ang kinapupuntahan ng iyong pera
  4. Pumili ng naayon na negosyo – suriing mabuti ang iyong kakayahan sa pagnenegosyo at manaliksik sa kung ano ang pamumuhunang ayon sa iyo
  5. Pumili ng negosyo na maaring makatulong sa pangangailangan ng iba – ilagay rin sa iyong isip na ang layunin ng iyong napiling negosyo ay mayroong mabuting kapupuntahan.


References:

N.A.(2016). Entrepreneur shares tips in choosing right investment. Retrieved from: http://www.philstar.com/business-usual/2016/01/04/1538917/entrepreneur-shares-tips-choosing-right-investment

PSA: Inflation rate for 2015 at 1.4% (Implasyon)

 Sean Christian Palaypay
Financial Adviser ng Sy-Magalona Corporation

                                        PSA: Inflation rate for 2015 at 1.4%

Paliwanag sa Artikulo :     

      Ang implasyon ay ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Masasabing naganap ang pangyayaring ito sa artikulong ito sa pamamagitan ng iilang mga dahilang isinaad sa nasabing teksto. Una ay ang mataas na demand ng tao sa mga binebentang produkto o serbisyo noong "holiday season" na naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng iba't ibang bilihin, at ang pangyayaring ito ay tinatawag na demand pull na kung saan mas mataas ang demand ng tao kaysa sa bilang ng mga produkto at serbisyong binebenta sa pamilihan. Ang ikalawa naman ay dahil sa mga kalamidad na naganap na lubhang nakaapekto sa ating mga agrikultural na lugar, at ito'y nagbunga sa pagbagal ng produksyon, paghatid at paglipat ng mga produkto. Ito nama'y tinatawag na cost push na kung saan tumataas ang presyo ng mga salik ng produksyon dahil sa pagkukulang sa hilaw na materyales para magawa ang mga yaring produkto na nagiging sanhi rin ng pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo o implasyon.

Reaksyon/Komento:
        Sa aking pananaw, hindi mabuti ang implasyon kung gusto ng isang ekonomiyang umunlad dahil kung mangyayari ito, naaapektuhan ang bawat aspekto ng buhay ng isang tao lalong lalo na ang kanilang pamumuhay, at halimbawa na rito ang mga nagtatrabaho sa larangan ng agrikultura. Bagamat ito'y totoo, batay sa artikulo, masasabi ko na kahit papaano ay gumagawa na ng mga hakbang ang pamahalaan upang maresolba ang implasyon sapagkat noong 2014 ang average inflation rate ay 4.1%, at matapos ang isang taon, naging 1.4% na lamang ito. Inasahan itong mangyari dahil sa pagbaba ng presyo ng iba't ibang mga produkto gaya ng langis, bigas, mais, at marami pang iba.

Makabuluhang Mungkahi:
      Bilang isang Pilipino, kailangan natin tulungan ang ating bansang umunlad partikular na ating ekonomiya. Magagawa natin ito kung tatangkilikin natin ang ating sariling produkto, at minumungkahi ko rin sa inyo na maghanap ng alternatibong produkto kung sakaling mawala ang produktong iyong hinahanap. Kung gagawin natin ang mga sumusunod, ating makakamit ang kaunlarang ating ninanais, kaya dapat tayo ay magkaisa.

Sanggunian:
     N/A. (2016 January 5). PSA: Inflation rate for 2015 at 1.4%. Retrieved from http://cnnphilippines.com/business/2016/01/05/inflation-rate-2015.html

Inflation seen to hit another record low (Implasyon)

Enrico Sebastian S. Digman
May-ari ng Hairy Cutter Barber Shop

Inflation seen to hit another record low

Paliwanag sa Artikulo :

Ang artikulo ay tungkol sa mababang rate ng implasyon sa Pilipinas sa buwan ng Oktubre. Mababa ang nagiging consumer price noong Oktubre dahil hindi ito nakaabot ng 1 porsyento. Sinasabi ni Beltran, ang chief economist ng Department of Finance, na ang presyo ng langis sa buong mundo ay nagiging dahilan kung bakit mababa ang lokal na presyo ng langis sa bansa. Mas makakabili ang mga konsyumer ng langis gamit ang kanilang pera dahil mas abot-kaya na ang presyo. Naging mababa rin ang presyo ng bayad sa kuryente, gasolina pati na rin ang mga produkto.
Reaksyon/Komento:
Ang reaksyon ko ay napapabilib ako sa mga opisyal dahil kaya nilang batayan ang implasyon ng mga produkto. Sinisikapan nila na maging mababa ang presyo ng mga produkto upang maging abot-kaya ito sa mga mamamayan. Sila rin ay handa dahil inaasahan nila ang mataas na presyo ng mga produkto sa nalalapit na bagyo. Naging masaya rin ako dahil masasabi ko na umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas at gumagawa ng aksyon ang mga opisyal para makatulong.
Makabuluhang Mungkahi:
Ang mungkahi ko tungo sa artikulo ay ipagpapatuloy ko sa pag-iwas sa implasyon sa pamamagitan ng pagtitipid para hindi ako makasayang na produkto na gagamitin ko at mag-iimpok ako ng pera kung sakaling mangyari ang implasyon. Dapat rin magkaisa tayo upang makatulong sa paglutas ng implasyon katulad ng pagbili ng sariling produkto at pagsuporta sa proyekto ng pamahalaan.
Sangguninan:

Magtulis, P. (2015). Inflation seen to hit another record low. Retrieved January 23, 2016, from http://www.philstar.com/business/2015/10/19/1512529/inflation-seen-hit-another-record-low  

Mga Pilipino, mas nag-iimpok na ayon sa BSP (Pag-iimpok)

Sophia Therese J. Bonifacio
Entreprenyur at Negosyante


Paliwanag sa Artikulo
Ang artikulong aking nasiyasat ay tungkol sa pag-iimpok, isang bahagi ng pambansang ekonomiya. Sinasabi rito na ngayon, ang mga Pilipino ay may labis na perang kanilang tinitipid. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, o BSP, dahil ito sa mas gumandang kita ng mga pamilya, positibong pananaw sa ekonomiya, at implasyon kaya mas ginanahan ang mga tao na mag-impok.
Mula 25.7%, nagtaas ang bilang ng mga sambahayang nagtitipid at naging 31.6% ito. Sinasabi rin ng BSP na karamihan sa mga pamilya ay natuto ring mag-impok para sa mga hindi inaasahang pangyayari, edukasyon at pag-aaral, panggastos sa ospital, at sa pagreretiro. Ang iba naming pamilya ay nagtatabi ng pera para sa kanilang negosyo at pamumuhunan.
68.5% sa mga sambahayang nag-iimpok ay mayroong sariling bank account kung saan nila tinatabi ang kanilang pera; 39% naman ang nagtatabi ng kanilang pera sa kanilang bahay lamang, at 24.9% ang naglalagay ng kanilang na-impok sa mga credit o loan associations.


Reaksyon/Komento
Ako’y natutuwa sa balitang inilahad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sapagkat ang pag-iimpok ng mga Pilipino ay simula ng magandang kinabukasan ng lahat. Dahil sa pag-iimpok, mayroon na silang panggastos para sa kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Hindi lang dapat umasa ang lipunan sa gobyerno ukol sa pagkakaroon ng salapi; kailangan din nilang umaksyon para sa kanilang sarili, at para sa akin, ang pag-iimpok ay ang pinakamahusay at pinakamabuting simula para rito.


Makabuluhang Mungkahi
Ang dapat gawin ng sambayanan ay huwag lang isipin ang kasalukuyan, ngunit ang hinaharap din. Dapat din unahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan, sapagkat kapag inuna ito, maaaring magkaroon ng pagdaralita at kakapusan. Dapat din magkaisa ang lipunan upang malutas ang mga problemang ito at gawin ang kanilang makakaya tulad ng pag-iimpok at pagtutulong sa kapwa.


Sanggunian
Chipongian, L. (2015). Filipinos are saving more – BSP survey. Retrieved from
http://www.mb.com.ph/filipinos-are-saving-more-bsp-survey/

PHILIPPINE ECONOMY POSTS 6.0 PERCENT GDP GROWTH (Pambansang Kita)

Maria Andreanna Garcia
OFW sa Madrid ng apat na taon


Paliwanag sa Artikulo
Sa artikulong ito, makikita na tumaas ang GDP sa pangatlong kwarter ng taong 2015 ng anim na porsyento (6%). Makikita rin na tumaas ang kita ng sektor ng Agrikultura at ng Serbisyo. Humina naman ang kita ng Industriyang sketor na bumaba mula sa 7.8% ngayo’y 5.4% na lamang. Sa tatlong sektor na binanggit, ang sektor  na nagkaroon ng pinakamalaking kita ay ang Serbisyo. Bumawi ang Agrikultura sa kwarter na ito dahil sa huling kwarter ay bumaba ito ng 2.6% at ngayo’y nabawi niya ng .4 %.

Reaksyon/ Komento
Masaya ako na tumaas ang GDP ng ating bansa ngunit nararamdaman ko na hindi  pa nakakamit ng Pilipinas ang kaniyang buong potensyal. Tulad lamang ng Agrikultura na dapat ay ang ating pinakamalaking kumikita. Ang bansa ay biniyayaan ng Diyos ng magandang lupa at klima ngunit hindi natin nagagamit ng labis ito. Mas nakatugon ang atensyon ng pamahalaan sa mga Serbisyo at Industria. Umuunlad na nga ang Pilipinas at gumaganda ang ekonomiya nito paunti-unti dahil sa paglaki ng GDP at GNP nito, ngunit hindi nila nabibigyan ng pantay-pantay na atensyon ang ibang sektor. Kung binigyan pansin natin ang Agrikulturang sektor ay pwede na rin na tumaas ang Industriyang Sektor na humihina. Kapag maraming nagagawang produkto at hilaw na materyales ay makakatulong ito sa import at export ng Pilipinas na makatutulong sa pagtaas ng Pambansang kita nito.

Makabuluhang Mungkahi
Dahil sa tagal kong nagtrabaho dito sa Madrid, nakita ko ang pagkakamali ng Pilipinas. Oo nga na umunlad ang ating ekonomiya kahit papaano dahil sa tulong ng sektor ng Serbisyo at ng Agrikultura, ngunit dapat ay magamit ng lubos ang mga likas na yaman na meron na sa ating bansa. Kapag nagamit natin ang ito ay uunlad at kikita lalo ang bansa. Bumabawi ang Agrikultura sa kwarter na ito at sana lamang ay tuloy-tuloy na ang pagtaas ng kita nito para lalong tumaas rin ang GDP ng Pilipinas. Makakapag export rin tayo ng mas maraming produkto o hilaw na materyales na makatutulong sa Industriyang sektor ng Pilipinas.


Sanggunian
Bersales, L. S. (2015, November 26). PSA- PHILIPPINE ECONOMY POSTS 6.0 PERCENT GDP GROWTH. Retrieved January 23, 2016, from http://nap.psa.gov.ph/sna/2015/3rd2015/2015qpr3.asp