Mga Manunulat

Bonifacio, Janessa (CEO ng Sy-Mendiola Corporation)
Bonifacio, Sophia (Entreprenyur at Negosyante)
Castro, Alexandra (Secretary ng Department of Budget)
Cuevas, Sofia (Bank Teller ng Eastwest Bank)
Digman, Enrico (Owner ng Hairy Cutter Barber Shop)
Garcia, Andreanna (OFW sa Madrid ng apat na taon)
Palaypay, Sean (Financial Adviser ng Sy-Mendiola Corporation)

Linggo, Enero 24, 2016

Pamumuhunan

Janessa Romaine T. Bonifacio
CEO, Sy-Mendiola Corporation


http://www.businessmirror.com.ph/wp-content/uploads/2015/12/entrep01-122315.jpgPaliwanag sa Artikulo :

Sinasabi sa artikulo na ang pagkakaroon ng isang pangkabuhayan ay walang kasiguraduhan kung ito ba’y magiging maunlad o hindi. Isa si Froilan Manotok sa mga nagtagumpay sa paglulunsad ng kaniyang negosyo, siya ay ginawaran ng Philippine Franchise Association ng isang gantimpalak bilang 2015 Franchisee of the Year. Ito’y ay isang prestihiyosong parangal sapagkat ito ay ibinibigay lamang sa mga tao na nagpapakita ng katangi-tanging pagganap sa larangan ng pagnenegosyo.
Siya ay nagbahagi ng mga angkop na paraan upang magkaroon  ng maunlad na hanap-buhay. Sinabi niya na ang pagkakaroon ng makabuluhang partisipasyon ng may-ari ay isang salik ng pagkakaroon ng matagumpay na negosyo. Sinabi niya rin na mas mainam na magkaroon ng pananaliksik sa kung ano ang ihahandog ng iyong negosyo at kung ano ang mga limitasyon nito. Ibinahagi niya rin na kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo, mas makakabuti kung ikaw ay taospuso sa pagpapatayo nito at mayroon kang karunungan ukol dito.

Reaksyon/Komento:
Ako ay sumasang-ayon sa artikulo sapagkat ang pagkakaroon ng matagumpay na negosyo ay kumakailangan ng taimtim na pananaliksik sa napiling pamumuhunan. Pinaniniwalaan ko rin na ang may-ari ang may hawak ng kabuuang kontrol sa sistema ng negosyo sapagkat siya ang namamahala rito. Tama ang sinabi ni Froilan Manotok na ang may-ari ay dapat magbigay ng sariling pamamaraan at kalakaran sa pagtulong sa pagpapaunlad ng napiling hanap-buhay.
Makabuluhang Mungkahi:
Karamihan sa mga mamamayan ay nagtatayo ng kanilang sariling hanap-buhay at upang magababayan sila sa kung ano ang dapat nilang gawin upang magkaroon  ng masaganang negosyo, ito’y ilan lamang sa mga posibleng paraan:
  1. Magsimula sa maliit na negosyo – mas mainam na magkaroon ng “starting point” o maliit na negosyo bago sumabak sa mas malawak na aspeto ng pamumuhunan
  2. Itago ang pera sa bangko – mas mabuti kapag ang pera na iyong gagamitin sa pagnenegosyo ay nakatago sa bangko dahil mayroon itong seguridad at ito ay mayroong interes at maari pang lumaki
  3. Itala ang iyong mga gastusin – magkaroon ng rekord o talaan kung saan lahat ng gastusin ay nakasulat upang iyong masubaybayan ang kinapupuntahan ng iyong pera
  4. Pumili ng naayon na negosyo – suriing mabuti ang iyong kakayahan sa pagnenegosyo at manaliksik sa kung ano ang pamumuhunang ayon sa iyo
  5. Pumili ng negosyo na maaring makatulong sa pangangailangan ng iba – ilagay rin sa iyong isip na ang layunin ng iyong napiling negosyo ay mayroong mabuting kapupuntahan.


References:

N.A.(2016). Entrepreneur shares tips in choosing right investment. Retrieved from: http://www.philstar.com/business-usual/2016/01/04/1538917/entrepreneur-shares-tips-choosing-right-investment