Maria Andreanna Garcia
OFW sa Madrid ng apat na taon
Sa artikulong ito, makikita na tumaas ang GDP sa pangatlong kwarter ng taong 2015 ng anim na porsyento (6%). Makikita rin na tumaas ang kita ng sektor ng Agrikultura at ng Serbisyo. Humina naman ang kita ng Industriyang sketor na bumaba mula sa 7.8% ngayo’y 5.4% na lamang. Sa tatlong sektor na binanggit, ang sektor na nagkaroon ng pinakamalaking kita ay ang Serbisyo. Bumawi ang Agrikultura sa kwarter na ito dahil sa huling kwarter ay bumaba ito ng 2.6% at ngayo’y nabawi niya ng .4 %.
Reaksyon/ Komento
Masaya ako na tumaas ang GDP ng ating bansa ngunit nararamdaman ko na hindi pa nakakamit ng Pilipinas ang kaniyang buong potensyal. Tulad lamang ng Agrikultura na dapat ay ang ating pinakamalaking kumikita. Ang bansa ay biniyayaan ng Diyos ng magandang lupa at klima ngunit hindi natin nagagamit ng labis ito. Mas nakatugon ang atensyon ng pamahalaan sa mga Serbisyo at Industria. Umuunlad na nga ang Pilipinas at gumaganda ang ekonomiya nito paunti-unti dahil sa paglaki ng GDP at GNP nito, ngunit hindi nila nabibigyan ng pantay-pantay na atensyon ang ibang sektor. Kung binigyan pansin natin ang Agrikulturang sektor ay pwede na rin na tumaas ang Industriyang Sektor na humihina. Kapag maraming nagagawang produkto at hilaw na materyales ay makakatulong ito sa import at export ng Pilipinas na makatutulong sa pagtaas ng Pambansang kita nito.
Makabuluhang Mungkahi
Dahil sa tagal kong nagtrabaho dito sa Madrid, nakita ko ang pagkakamali ng Pilipinas. Oo nga na umunlad ang ating ekonomiya kahit papaano dahil sa tulong ng sektor ng Serbisyo at ng Agrikultura, ngunit dapat ay magamit ng lubos ang mga likas na yaman na meron na sa ating bansa. Kapag nagamit natin ang ito ay uunlad at kikita lalo ang bansa. Bumabawi ang Agrikultura sa kwarter na ito at sana lamang ay tuloy-tuloy na ang pagtaas ng kita nito para lalong tumaas rin ang GDP ng Pilipinas. Makakapag export rin tayo ng mas maraming produkto o hilaw na materyales na makatutulong sa Industriyang sektor ng Pilipinas.
Sanggunian
Bersales, L. S. (2015, November 26). PSA- PHILIPPINE ECONOMY POSTS 6.0 PERCENT GDP GROWTH. Retrieved January 23, 2016, from http://nap.psa.gov.ph/sna/2015/3rd2015/2015qpr3.asp