Mga Manunulat

Bonifacio, Janessa (CEO ng Sy-Mendiola Corporation)
Bonifacio, Sophia (Entreprenyur at Negosyante)
Castro, Alexandra (Secretary ng Department of Budget)
Cuevas, Sofia (Bank Teller ng Eastwest Bank)
Digman, Enrico (Owner ng Hairy Cutter Barber Shop)
Garcia, Andreanna (OFW sa Madrid ng apat na taon)
Palaypay, Sean (Financial Adviser ng Sy-Mendiola Corporation)

Linggo, Enero 24, 2016

“Panukalang 2016 Budget, Inihain sa Kamara” (Patakarang Piskal)

Alexandra Castro
Secretary ng Department of Budget

PATAKARANG PISKAL – Ito ang pagkontrol ng pamahalaan sa layuning mapatatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya.

Paliwanag sa Artikulo
Isinasaad sa Artikulo ang tungkol sa ipinasa at inaprubahang badyet ng ating pamahalaan. Sinasabing ang national badyet ay naghahalagang 3.002 trillion Php. Nakasaad rin sa artikulo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na siyang pinaglalaanan ng kaukulang pera mula sa ating badyet na siyang gagamitin para iba’t ibang gastusin at programang ipatutupad nito. Ang tatlong nangunguna sa listahan ng may pinakamalaking hati ay ang DEPED, DPWH, at ang DND. Isinasaad rin na dahil sa hindi magandang kinalabasan ng serbisyo ng train system sa ating bansa ay kinaltasan ng ilang porsyento ang DOTC. Ang sa DSWD rin ay bumaba ng 3.8%. Sa kabuuan, sinasabing mas tumaas ang badyet na inilaan para sa taong 2016 ng 15.2% kumpara sa inilaan noong nakaraang taon. 

Reaksyon/Komento
Sa aking nakita ay patas naman ang naging distribusyon ng pambansang badyet para sa taong ito. Sa laki ng mapupunta sa bawat ahensiya ay makikitang malaking porsiyento nito ay talagang tutugon sa gastusin ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan na siyang makatutulong naman sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyo’t programang ipatutupad. Nakatutuwa ring malaman na tumaas ito ng 15.2% mula sa nakaraang taon dahil ipinapahiwatig nito na maaring mas tumatatag na ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.

Makabuluhang Mungkahi
Aking maipapayo na sana gamitin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang perang naibigay sa kanila sa paraang kapakipakinabang para sa lahat sa pamamagitan ng paglikha ng mga programa at pag-aabot ng mga serbisyong makatutulong sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Tulad na lamang ng pag-gamit ng DepEd sa pagpapabuti at pagpapatatag ng K-12 system at pagtatayo pa ng maraming pampublikong paaralan, pagpapaayos sa mga kalsada at pagtukoy sa paraan lulutas sa matinding trapik ng DPWH, mga pampublikong ospital at mga libreng gamot para sa mga mahihirap ng DOH, at iba pang hakbang na maaring gawin at pagtibayin ng bawat ahensiya. Dapat rin ay masigurado ng pamahalaan na ang bawat layuning paglalaanan ng pera ay tungo sa kaunlaran ng bansa at hindi mapupunta sa kamay ng mga namumuno rito. Bilang mga mamamayan, suportahan natin ang mga hakbang na ipinapatupad ng pamahalaan at alamin kung ano ba ang mga pinagkakagastusan ng ating bansa. Bilang mga mamamayan at bilang bansang may pagkakaisa, siguraduhing magbabayad rin ng buwis nang patas dahil makatutulong ito upang makadagdag sa pondo ng bansa na makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa at para tugunan ang iba’t ibang gastusin ng Pilipinas.

Sanggunian
      Umali, I. A. (2015). Panukalang 2016 budget, inihain sa kamara. Mula sa:      http://radyo.inquirer.net/4335/panukalang-2016-budget-inihain-sa-kamara.