Sophia Therese J. Bonifacio
Entreprenyur at Negosyante
Paliwanag sa Artikulo
Ang artikulong aking nasiyasat ay tungkol sa pag-iimpok, isang bahagi ng pambansang ekonomiya. Sinasabi rito na ngayon, ang mga Pilipino ay may labis na perang kanilang tinitipid. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, o BSP, dahil ito sa mas gumandang kita ng mga pamilya, positibong pananaw sa ekonomiya, at implasyon kaya mas ginanahan ang mga tao na mag-impok.
Mula 25.7%, nagtaas ang bilang ng mga sambahayang nagtitipid at naging 31.6% ito. Sinasabi rin ng BSP na karamihan sa mga pamilya ay natuto ring mag-impok para sa mga hindi inaasahang pangyayari, edukasyon at pag-aaral, panggastos sa ospital, at sa pagreretiro. Ang iba naming pamilya ay nagtatabi ng pera para sa kanilang negosyo at pamumuhunan.
68.5% sa mga sambahayang nag-iimpok ay mayroong sariling bank account kung saan nila tinatabi ang kanilang pera; 39% naman ang nagtatabi ng kanilang pera sa kanilang bahay lamang, at 24.9% ang naglalagay ng kanilang na-impok sa mga credit o loan associations.
Reaksyon/Komento
Ako’y natutuwa sa balitang inilahad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sapagkat ang pag-iimpok ng mga Pilipino ay simula ng magandang kinabukasan ng lahat. Dahil sa pag-iimpok, mayroon na silang panggastos para sa kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Hindi lang dapat umasa ang lipunan sa gobyerno ukol sa pagkakaroon ng salapi; kailangan din nilang umaksyon para sa kanilang sarili, at para sa akin, ang pag-iimpok ay ang pinakamahusay at pinakamabuting simula para rito.
Makabuluhang Mungkahi
Ang dapat gawin ng sambayanan ay huwag lang isipin ang kasalukuyan, ngunit ang hinaharap din. Dapat din unahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan, sapagkat kapag inuna ito, maaaring magkaroon ng pagdaralita at kakapusan. Dapat din magkaisa ang lipunan upang malutas ang mga problemang ito at gawin ang kanilang makakaya tulad ng pag-iimpok at pagtutulong sa kapwa.
Sanggunian
Chipongian, L. (2015). Filipinos are saving more – BSP survey. Retrieved from
http://www.mb.com.ph/filipinos-are-saving-more-bsp-survey/